ANG AKLAT PARA SA AKIN
pagbili ng libro'y nakahiligan
sa bookstore o mga book festival man
tungkol sa kasaysayan, pahayagan,
tula, kwento, sanaysay, panitikan
dahil ako'y makata, manunulat
ng mga tula't kwentong mapangmulat
na pampanitikan ang binubuklat
sari-saring akda'y binubulatlat
may dyaryong Taliba ng Maralita
kung saan kwento ko'y nalalathala
mga pahayag ng samahan, tula
na nais kong maisalibro din nga
balak kong makagawa ng nobela
hinggil sa pakikibaka ng masa
wawakasan ang bulok na sistema
wawakasan ang pagsasamantala
pangarap kong maisaaklat iyon
isa iyan sa dakila kong layon
na burgesya'y sa lupa maibaon
lipunang asam ay itayo ngayon
- gregoriovbituinjr.
04.05.2025
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"
PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista kundi isang biyudong nakaranas ng depresyon. Kalagitnaan ng Abril 2026, halos...
-
NAIS KO PANG BASAHIN ANG 100 AKLAT nais ko pang basahin ang sandaang aklat na pawang mga klasiko bago mamatay mga kwento't nobelang na...
-
DALAWANG AKLAT NG GLOSARI dinaluhan ko minsan sa UP ang isang forum sa pagsasalin doon ay akin namang nabili ang dalawang aklat ng glosari m...
-
KORAPSYON: KUNG ANONG BIGKAS, SIYANG BAYBAY ni Gregorio V. Bituin Jr. Nabasa ko ang sinulat ni National Artist Virgilio S. Almario sa kany...

No comments:
Post a Comment