Dalawang aklat na pumapaksa sa kalusugan
DALAWANG AKLAT NA PUMAPAKSA SA KALUSUGAN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Pagkagaling ko sa ospital kanina nang dinalaw ko si misis na nakaratay sa banig ng karamdaman, ako'y lumisan doon bandang tanghaliang tapat. Mula sa ospital ay sumakay na ako ng dyip puntang Gateway sa Cubao. Naglakad hanggang makarating sa Book Sale sa gilid ng Fiesta Carnival. Pumasok ako doon at agad na bumungad sa akin ang aklat na "40 Days of Hope for Healthcare Heroes" ni Amy K. Sorrells, BSN, RN. Ang RN ay registered nurse. Naintriga ako sa mga salitang "Healthcare Heroes" lalo na't nasa ospital si misis na pinangangalagaan ng mga doktor at nars. Isa pang aklat ang nakatawag pansin sa akin dahil sa nakasulat na A. Molotkov Poems , at agad isinama ko sa binili dahil bilang makata, nais kong basahin ang mga tula ng di ko kilalang awtor. Pag-uwi ko na sa bahay, saka ko na napansin ang pamagat, "Future Symptoms". Batid kong ang salitang symptoms ay ...