Litrato kuha sa book launching ng "1 Xiao Time, Mga Dakilang Pilipino" sa HistoEx (History to Experience) sa Gateway 2, Cubao, QC, Agosto 3, 2025 . Litrato kuha sa Bantayog ng mga Bayani, Oktubre 22, 2022, sa aktibidad na Balik-Alindog Bantayog. SI PROF. XIAO CHUA AT AKO Mabuti't natatandaan pa ako ng historyan na si Prof. Michael Charleston "Xiao" Chua nang makabili ako ng aklat niyang "1 Xiao Time, Mga Dakilang Pilipino" sa HistoEx (History to Experience) sa Gateway 2 sa Cubao. Natandaan niya ako dahil isinulat niya ang dedikasyon sa aking pangalan. 3 Agosto 2025 Para kay Greg Bituin, Bayani ng kalikasan! Xiao Chua Nakatutuwa dahil isinulat niya roon ang "Bayani ng kalikasan!" na ibig sabihin, tanda niya na naging magkatabi kami sa upuan noong 2016 nang dumating dito sa Pilipinas si dating US Vice President Al Gore para sa tatlong araw na Climate Reality training. Dinaluhan din iyon ng aking namayapang asawang si Liberty, na di ko pa ...
Comments
Post a Comment