Katha lang ng katha
KATHA LANG NG KATHA katha lang ng katha ang abang makata anuman ang paksa kanyang itutula sulat lang ng sulat ang makatang mulat anuman ang ulat na sumasambulat isinasatitik ang anumang hibik gamit ang panitik kahit walang imik pag may masasabi araw man o gabi kakathang maigi yaong nalilimi pluma'y gagamitin upang bumanat din trapo'y kastiguhin kuhila'y lupigin - gregoriovbituinjr. 01.20.2025