Posts

Showing posts from March, 2026

Parang gerilya akong nagbenta ng aklat sa Philippine Book Festival 2026

Image
PARANG GERILYA AKONG NAGBENTA NG AKLAT SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2026 Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakadalawang araw din ako sa apat na araw na  Philippine Book Festival 2026 , kahapon at ngayon (Marso 13-14) sa SM Megamall. Taon-taon basta may pagkakataon ay sasaglit ako sa anumang book festival, tulad nitong  Philippine Book Festival (PBF)  at  Manila International Book Festival (MIBF)  tuwing Setyembre. Sa Buwan ng Sining nitong Pebrero ay nakapagbenta rin ako sa ilang aktibidad. Salamat at nakabenta rin ng tigatlo kong aklat doon sa ilang mga kakilala at kaibigang manunulat, kina  Albert Banico  ng 8Letters Publication at awtor ng librong "Ang Paghahanap kay Tapat",  Edzel  ng San Anselmo Publications,  Jason  ng Teachers Dignity Coalition (TDC) at may kasamang mga estudyante niya, at  Joebert  ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Ang tatlo kong libreto'y ang  "Malayan...

"Happy Women's Day", ani tennis star Alex Eala

Image
"HAPPY WOMEN'S DAY", ANI TENNIS STAR ALEX EALA ‎ talagang kayhusay / ni  Alex Eala ‎‎noong si  Coco Gauff  / ay tinalo niya mapagpakumbaba / ang ating atleta nang magtalumpati'y / binati ang ina ‎ ‎at iba pang ina, / sa kababaihan ‎nag- Happy Women's Day , / sadyang kainaman ‎inspirasyon siya / ngayon nitong bayan ‎nang dahil sa mga / napagtagumpayan ‎ ‎kaya taas-noo / akong nagpupugay ‎kay  Alex Eala , / inspirasyong tunay ‎bagong sports hero / ang atletang Pinay ‎mabuhay ka, Alex! / mabuhay! mabuhay! ‎ ‎ksysarap marahil / maglaro ng tennis ‎sa palo ng bola'y / di dapat magmintis ‎dapat araw-araw / talagang magpraktis raketa't pagpalo'y / gamaying mabilis ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.10.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa ABS-CBN News sa fb