Tatlong libreto ng tulâ sa tatlong taon
3 LIBRETO NG TUL Â SA 3 TAON Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mula 2006 ay nakapaglathala na ako ng mga aklat. Una na ang 60-pahinang "Ningas-Bao" . At huli kong gawang nasaksihan ni misis na nalathala ay ang 24-pahinang libretong "Bakit natin dapat alagaan ang kalikasan?" noong Pebrero 2020. Siya ang nagdisenyo ng cover o pabalat ng aklat. Apat na taon pa ang nakalipas bago nakapaglabas muli ng aklat ang inyong lingkod. Ang tema'y hinggil sa mga napapanahong isyu o usapin sa lipunan. Ang huli kong aklat na ginawa noong nabubuhay pa si misis ay ang "Malayang Salin ng mga Tula ng mga Makatang Palestino" kung saan ang pagsasalin ng tula sa aklat na ito'y sinimulan noong Oktubre 1, 2024, na sana’y tuloy-tuloy sa buong Oktubre, at abutin ng Nobyembre 29 para sa International Day in Solidarity with the Palestinian People. Bawat araw ay may isang tulang isinalin. Subalit natigil ito noong Oktubre 23, 2024 dahil si ...