Posts

Showing posts from December, 2025

Hinggil sa Lunsad-Aklat ng Disyembre 9

Image
HINGGIL SA LUNSAD-AKLAT NG DISYEMBRE 9 akala ko'y lalangawin ang Lunsad-Aklat mabuti na lamang, may dumating na tatlo sila'y pawang sa isyu ng bayan ay mulat kaya kagalakan ay ramdam kong totoo sapat iyon upang mabuhayan ng loob at magsikap pa ring magsulat at kumathâ kahit sa trabaho'y talagang nakasubsob tumaas ang aking moral bilang makatâ marami ring nagsabing di makararating sa kanila'y pagpupugay at pasalamat iyon ay respeto na ngang maituturing sa kanila'y naglaan na ako ng aklat magpatuloy lang bilang makatâ ng bayan pati sa pagsusulat ng isyu ng masa iyan ang ipinayo sa akin ng ilan kaya ako'y sadyang saludo sa kanila - gregoriovbituinjr. 12.15.2025 * nailunsad ang "Tula't Tuligsa Laban sa Korapsyon" sa CHR noong Disyembre 9 - International Anti-Corruption Day * ngayong Disyembre 15 ang ika-150 kaarawan ng dakilang bayaning si Gat Emilio Jacinto, aka Pingkian

Tatlo sanang lunsad-aklat ko ngayong taon

Image
TATLO SANANG LUNSAD-AKLAT KO NGAYONG TAON tatlo sanang Lunsad-Aklat ko ngayong taon naglunsad tig-isa ng Nobyembre't DIsyembre una'y  "Salin ng Tula ng mga Makatang Palestino ", ikalawa'y  "Tula't Tuligsâ Laban sa Korapsyon" , ikatlo sana'y itong muling lunsad ng akdang  "Liwanag at Dilim" ni  Emilio Jacinto , na pinagdiriwang ngayon ang kanyang ikasandaan-limampung kaarawan, librong dati nang nalathala subalit bagong edisyon, may mga dagdag na bagong saliksik, ngunit di malathala kinapos sa suporta, salapi't panahon ang abang makatang sa pagkilos ay pultaym "Liwanag at Dilim"  sana'y muling malunsad gayunman,  Happy One-Hundred-Fiftieth Birthday sa ating bayaning Gat Emilio Jacinto! - gregoriovbituinjr. 12.15.2025