Nais ko pang basahin ang 100 aklat
NAIS KO PANG BASAHIN ANG 100 AKLAT nais ko pang basahin ang sandaang aklat na pawang mga klasiko bago mamatay mga kwento't nobelang nakapagmumulat aklat ng mga tulang sa mundo inalay kayrami ko nang librong pangliteratura, pampulitika, o kaya'y pangmanggagawa, pang-ideyolohiya dahil aktibista at gumagawa pa ng dyaryong maralita kung malathala ang nobelang lilikhain na paksa ko'y iskwater sa sariling bayan kung nobela sa obrero'y matapos ko rin asam ko'y mabasa't tangkilikin ng tanan basa ng basa bago mawala sa mundo ng pangarap kong sandaang klasikong aklat librong isinalin sa wikang Filipino ay, kayrami pang dapat mabasa't mabuklat - gregoriovbituinjr. 09.19.2025 * litratong kuha sa Manila International Book Fair 2025 * maraming salamat sa kumuha ng litrato