Munting aklat ng salin
MUNTING AKLAT NG SALIN di pa ako umaabot na magpalimos kaya nagbebenta ng munting gawang aklat pultaym na tibak ay pulos diskarteng lubos danas man ay hikahos, nakapagmumulat bagamat paghihinagpis pa rin ay dama sa pagkawala ng natatanging pag-ibig patuloy ang pagkilos at pakikibaka sa kabila ng pagkatulala't ligalig maubos sana at mabasa rin ng bayan ang munti kong aklat ng mga isinalin kong tula ng mga makatang Palestinian bilang ambag upang lumaya ang Palestine mula sa kuko ng buhong na mananakop nag-ala-Nazi sa inagawan ng lupa Palestino'y inapi, Hudyo'y asal hayop upang buong lahing Palestino'y mapuksa mula ilog hanggang dagat ay lalaya rin ang Palestine mula sa bawat paniniil kuha na kayo ng aklat kong isinalin habang umaasang dyenosidyo'y mapigil - gregoriovbituinjr. 08.21.2025 * kinatha sa anibersaryo ng Plaza Miranda bombing at pagpaslang kay Ninoy sa tarmak