Posts

Showing posts from June, 2025

Dalawang aklat ng glosari

Image
DALAWANG AKLAT NG GLOSARI dinaluhan ko minsan sa UP ang isang forum sa pagsasalin doon ay akin namang nabili ang dalawang aklat ng glosari muling nabuhay yaong mithiin kong mag-ambag sa sariling wika mga librong ito'y babasahin upang kaalama'y palaguin iambag sa pagkwento't pagtula ang mga salita kong nalaman lumawak ang kabatira't diwa sa glosari ng mga salita na hinggil sa pagpaplanong urban at rehiyonal, sa paggawa ng damit, kaygandang maunawaan ng tulad kong makata ng bayan - gregoriovbituinjr. 06.06.2025 * nabili ang 2 aklat sa forum ng Kasalin Network, sa Gimenez Gallery, UP Diliman, Mayo 27, 2025