Ang pito kong aklat ni Ligaya G. Tiamzon Rubin
ANG PITO KONG AKLAT NI LIGAYA G. TIAMZON RUBIN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakabili ako ng pitong aklat ng manunulat na si Ligaya Tiamzon-Rubin sa Philippine Book Festival 2025 . Ang nakatutuwa rito, tigsisingkwenta pesos ang bawat isa. Kaya P350 lahat ito (P50.00 x 7 = P350.00). Ikalawa, nakakatuwa dahil anim sa pitong aklat ang tungkol sa Angono, Rizal. Dahil minsan na rin akong tumira at nagbahay sa isang lugar sa Angono, sa Mahabang Parang, nang halos anim na taon. Baguhang staff pa lang ako ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) nang tumira ako roon, dahil isa sa mga lider ng KPML, si Ka Joel na nasa kalapit na barangay na sakop ng Teresa, Rizal, ay kinupkop ako, at doon na rin nagsimulang mag-organisa ng maralita. Bandang taon 2002 hanggang 2007 ako naroon. Nawala lang ako sa Angono dahil sa paghihiwalay ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at ng grupong Partido Manggagawa (PM)....