Ang aklat na Still Breathing, 100 Black Voices on Racism
ANG AKLAT NA STILL BREATHING, 100 BLACK VOICES ON RACISM Nabili ko ang aklat na Still Breathing, 100 Black Voices on Racism, 100 Ways to Change the Narrative , sa Book Sale sa Farmers Cubao noong Enero 10, 2026, sa murang halagang P35.00 lang. Makapal ang aklat na umaabot ng 308 pahina. Kaytindi ng pamagat ng aklat: Still Breathing . Ibig sabihin: Humihinga pa! Humihinga pa sila dahil hindi sila natulad sa nangyari kay George Floyd . Humihinga pa dahil nabuo ang kampanyang Black Lives Matter nang mamatay si Floyd. Natipon sa aklat ang isang daang boses ng mga tumututol sa rasismo sa Amerika, bunsod ng pagkamatay ng Itim na si George Floyd noong Mayo 25, 2020 sa Minneanapolis. Si Floyd, 46-taong-gulang, ay namatay matapos siyang arestuhin ng pulisya dahil sa umano'y paggamit ng pekeng $20 na perang papel. Mahigit siyam na minuto siyang niluhuran sa leeg ng pulis na si Officer Derek Chauvin, na nagresulta sa atake sa puso. Ang pangyayaring iyon ang naging san...